Chit-chat


Thursday, January 13, 2005

Isa kang Kumbento Boy kung.....

  • dumudungaw ka sa bintana at kumakaway sa mga babaeng nakikita mo sa kabilang building
  • mahilig kang tumambay sa ilalim ng puno, sa hagdanan, sa sulok ng mga building, at sa basement
  • nanghihiram ka ng rubber shoes para pang-basketball mo
  • nanghihiram ka ng Bible, pero hindi mo naman babasahin
  • nagbabaon ka ng kanin lang at bumibili ka ng ulam na hahatiin mo pa with your co-worker
  • sumasabit ka sa jeep kahit hindi naman ito puno
  • nagsasalsal ka kapag may sexyng speaker
  • sanay ka nang makakita ng babaeng maraming balahibo sa binti at hita
  • sanay ka nang makakita ng mga matatandang-dalaga, kahit pa magkakapatid sila
  • uma-absent ka sa trabaho para hintaying magbukas ang mall
  • naka-"tuck in" ang iyong polo pag nasa loob ka ng trabaho, pero ina-"untuck" mo ito pag uwian nyo
  • nagpa-panic ka pag nakakarinig ka ng "Punyeta!"
  • minsan ay nagsasabi ka ng "I'm sorry I'm late, may I come in?" sa iyong boss
  • nagmamadali kang luminya sa mga pila at ipinapatong mo ang iyong kanang kamay sa kanang balikat ng nasa harap mo
  • nagtatago ka ng mga libro sa loob ng kabinet, sa ilalim ng lababo, o sa mga lugar na walang ibang nakakaalam
  • gawain mong silipan ang mga naka-skirt
  • palagi kang may dalang 1/4 paper...para sigurado
  • alam mo ang lasa ng chalk
  • may mga kaibigan kang bakla
  • nakakatulog ka kapag History ang inyong topic
  • minsan ay nata-type mo nang hindi sinasadya ang "autoexec.bat" pag nag-e-email ka
  • lahat ng magagaspang na kahoy ay ini-is-is mo
  • mahilig kang kumain ng babana-Q with gulaman
  • kabisado mo ang amoy ng bangkay
  • magaling kang mag-almirol, magburda, manahi, at magdikit ng mga seashells
  • alam mong gumawa ng parol na gamit lang ay mga basura
  • minsan ay natatakot kang lumampas ang "bangs" ng buhok mo sa iyong kilay
  • .....at higit sa lahat.....isa kang Kumbento Boy kung isa ka sa mga pinakamahuhusay sa inyong kumpanya!

posted by: Dandy

0 Comments:

Post a Comment

<< Home