Chit-chat


Saturday, January 15, 2005

Email to Blog

Ito ay isang halimbawa ng “Email-to-Blog” feature ng Blogger. (Pinost ito gamit ang isang email client).

Papaano ito gamitin?

1. Magsend lang ng email sa pccians95.[secret name]@blogger.com. Kung hindi nyo alam ang [secret name] eh maaari lamang ipagtanong sa mailing list ng grupo.

2. Maglagay ng Subject sa email. Ito rin ang magiging heading ng blog article nyo.

3. I-compose ang article at i-send.

Mga Paunawa:

1. Merong significant delay mula sa pagpapadala ng email hanggang sa pagpublish o actual na pagpopost dito sa Blogger. Ito marahil ang isa sa kahinaan ng blogger, ngunit gayunpaman ay gumagana ito.

2. Hindi kayo maaaring maglagay ng attachments sa mga i-popost nyo via email. Kasama na dito ang mga pictures. Kung gusto nyo magpost ng pictures sa blog articles nyo, nararapat lang na gawin nyo ito gamit ang inyong web browsers.

(Kung dahil sa lupit ng tadhana at hindi kayo napagkalooban ng web access, maaari nyo pa ring i-post ang articles ninyo via email. Tapos i-send lamang ang mga pictures na gusto ninyong isama dun sa articles sa mailing list at kami na may web access ang bahalang mag-edit ng posts ninyo para isama ang mga pictures. Tandaan lamang na pag JPEG ang format ng pictures, ilagay ito sa isang ZIP file para hindi maantala ang access ng mga kasama natin sa LTP)

3. Kung meron kayong article na accidenteng na-ipost, maaari nyong ipagbigay alam sa grupo para ma-edit natin o matanggal sa pamamagitan ng web access sa blogger.com.

Lugod ko kayong hinihingkayat na magpadala ng articles at subukan ang Email-to-Blog feature ng Blogger.com.

Eto ang ilang specific na halimbawa:

1. Forward nyo sa email ang SPAM tally of the day ni Gibe.

2. Forward nyo sa email ang latest chismax.

3. Forward nyo sa email ang schedules ng laro (badminton or basketball)

4. At marami pang iba.

posted by: Ronald Allan

0 Comments:

Post a Comment

<< Home