Chit-chat


Monday, February 07, 2005

Maglakbay

putang ina! araw-araw na lang bang ganito? paulit-ulit ang lahat... ang
ginagawa mo at ang mga taong nakikita mo! nakakapraning na!
oo..mahal mo ang trabaho mo, oo..kailangan mo ng pera...pero 'tang
ina! bakit hindi mo sabihin sa sarili mo na "trabaho na naman!...pera
lang 'yan!...kailangan ko namang maglimaliw!" Madalas mong maisip
yan pero naglalaon at ok ka na naman sa mga ginagawa mo at
nakakalimutan mo na kailangan mo ng "timeout". Tapos darating na
naman ang mga araw na napakarami ng trabaho mo, hindi ka pa
nakakatapos ng isa ay mayroon nang kasunod. Natapos mo na ay
papaulit pa sa'yo. Ikaw naman ay tamad na tamad at kahit gusto mong
may matapos ay wala kang ginagawa. Ito ay dahil nakalimutan mong
mag-refresh (F5), di sana'y fresh ka sa ganitong mga pagkakataon at
di mo iintindihin ang sangkatutak na problema mo. Kung itinawag mo
lang yung timeout, sana'y hindi ka ganito ka-bored. At ngayon balik na
naman sa isipan mo "ayoko na talaga... kailangan ko ng pahinga!
kailangan ko munang magpakasaya!" ngunit dapat sa pagkakataong ito
ay gawin mo na.
 
Pa'no kapag di ako pumasok...wala akong sahod! (pera lang 'yan,
aanhin mo yan kung di ka naman masaya) May leave ako, bakit di ko
gamitin? (oo nga..kung di ka ba naman tanga!) Hindi ako papayagang
mag-absent (tang-ina mag-hudas ka sa kumpanya, eh kung hindi ka
pumasok susunduin ka ba sa inyo) Hindi ako papayagan ni Misis/GF
(isama mo pero mas ok talaga kung hindi) Maiiwan si baby (isama mo
rin)
 
Sarap nito! mga ilang araw na bakasyon...kahit ano pa man ang trip
mo. Pero ang payo ko sa'yo ay MAGLAKBAY ka! magpunta ka sa
magagandang lugar na hindi mo pa nararating. sigurado kapag nandon
ka na parang napunta ka sa ibang mundo at makakalimot ka sa
anumang gumugulo sa isip mo.
 
Dahil desidido ka na, problema mo na lang ay ang destinasyon.
Simple! alalahanin mo ang mga kwento ng mga kaibigan mo at
kasamahan...siguradong may nabanggit sila na magandang puntahan
na gusto mo ring marating at kung pwede'y samahan ka pa rito. O di
kaya'y magbasa ka ng diyaryo, magazine at maghanap sa internet.
Maraming kwento tungkol sa mga magagandang lugar at kung gaano
kadali ang pumunta dito ang nagkalat sa mga BLOG na tulad nito.
Ngunit para di ka mahirapan... ilan lang ito sa maari mong
pagparausan:
 
Mountain Climbing (Outdoor, Hiking, Camping etc.) - hindi ito kasing hirap ng inaakala ng marami. ang totoo ay nag-aalok pa ito ng mga di mapapantayang mga karanasan at kaligayahan na mahirap ipaliwanag unless ma-experience mo (parang sex). bukod rito ay maraming actibidades na maari mo ring ma-enjoy tulad ng swimming (sa beach, falls, ilog, bukal at kung ano pa), rock climbing, boating, snorkeling, hunting, recollecting, picture taking at marami pang iba not to mention ang pagpapalakas ng iyong resistensya, paghubog sa iyong hita at binti kasama na ang puwit at ang pagbawas sa iyong timbang. Idagdag mo pa rito ang madidiskubre mong makapigil hiningang kagandahan ng kalikasan at tiyak na mababago ang pagtingin mo sa Pilipinas at sa nature mismo. Lahat ng benepisyong ito ay mapapasa-iyo sa ilandaang piso at kaunting tagas ng pawis. Nag-camping naman siguro kayo kaya alam nyo more or less ang saya lalo na ang bonding sa ganitong pagkakataon. Kung sakali naman na hindi nyo talaga ito trip o hindi na kaya ng katawan nyo huwag nyo ring pilitin...marami pa namang options.
 
Swimming Beach (ingat lang sa tsunami) - kung mayroon mang makakapagpaginhawa ng iyong kalooban, ito na marahil ang simoy ng karagatan. hindi lang pang-summer ang beach, mas maganda nga kung kokonti ang mga tao ('wag naman rainy season)...mas ma-aapreciate mo ang ganda ng white sand, ang sarap ng simoy ng hangin, ang sunset at ang kagandahan ng iyong kapares.
 
Fiesta hopping - kung may nagyaya sa'yo na mamiesta lalo na sa probinsiya sumama ka agad. sigurado ko mag-eenjoy ka! mabwisit ka man tiyak kong pagtatawanan mo na lang iyon pagdating ng panahon kapag naaalala mo. dahil sa piyesta makikita mo ang ibat-ibang klase ng tao tapos matitikman mo pa ang ibat-ibang klase ng puta este putahe pala. sa bawat piyesta o kahit man lang probinsiya na narating mo makikita mo ang asal ng mga tao doon(negative man o positive) at dapat ay may matutunan ka rito. siguraduhin mo lang na hindi mga aswang yung nagpapakain sa'yo kundi yari ka.
 
Kung napili mong maglakbay sa iyong timeout sa trabaho ay iyan ang mga payo kong gawin mo. Ohh! Ano pang hinihintay mo? Tara na! Biyahe tayo!
 
Reminder: Kalimutan mo na ang ibang bagay...'Wag lang ang CAMERA!
 
A man of ordinary talent will always be ordinary, whether he travels or not; but a man of superior talent (which i cannot deny myself to be without being impious) will go to pieces if he remains forever in the same place...
- Wolfgang Amadeus Mozart


Do you Yahoo!?
Yahoo! Search presents - Jib Jab's 'Second Term'